Ano nga ba ang panitikan? Maraming kahulugan ang panitikan. Marami sigurong taong magsasabing ito'y mga kasulatan lamang, gaya ng mga tula, nobela, o mga maiikling kuwento na binabasa lamang. May mga magsasabing panitikan din ang mga dula, mga kuwentong tinatanghal sa entablado. Ngunit ang panitikan ay 'di lamang limitado sa ganyang mga anyo. Sa aming klase sa Filipino, inilarawan namin ang panitikan bilang "sining na may sariling pamantayan ng estetika ng wika, na nagpapahyag ng mensahe na bukas sa interpretasyon ng mambabasa ayon sa sariling mga karanasan." Batay sa kahulugan na ito, sakop na ng panitikan ang halos lahat ng bagay na gumagamit ng wika, kasama na roon ang mga pelikula, mga video, mga kanta, pati na rin ang pag-uusap sa isa't isa, dahil sila'y nagpapahayag ng mensahe sa mga tao. Malaki ang nasasakop ng panitikan, at kasama na rito ang kantang ito:
Isa ito sa mga paborito kong kanta. Nagustuhan ko ang tono nung kanta, pati na rin ang kanyang kakaibang 'music video', kung saan bigla nalang silang matatakpan ng mga disenyo ng pintura. Pero paano ba ito maituturing na panitikan? Kung babalikan natin ang kahulugan nito, ang mga kanta at mga video ay kasali sa panitikan. dahil, unang-una, sila ay gumagamit ng wika. Pangalawa, dahil ito ay nagpapahayag ng mensahe na 'di masyadong malinaw, kaya magkakaroon tayo ng iba't ibang interpretasyon, at pangatlo, dahil ito ay nagpapakita ng sining.
Dahil sa wika, maituturing na natin ang kantang ito bilang panitikan. Dahil rin sa wika kaya ito ay nakakapagpahayag ng mas malinaw na mensahe at mas magandang pagpapakita ng kanyang sining. Kung wala yung wika sa video na ito, hindi natin siyang masyadong maiintindihan at hindi rin natin mapahahalagahan ang kanyang likas na kagandahan at sining. Kung walang lyrics at musikang tumutugtog, hindi natin agad makukuha ang mensaheng gustong maiparating sa atin ng mang-aawit. Kung walang wikang ginagamit, hindi na natin ito maituturing na panitikan. Ganoon kahalaga ang wika sa panitikan.
Isa pang aspekto ng kanyang pagiging panitikan ay ang kanyang mensahe. Para sa akin, mahirap intindihin yung gustong iparating ng kantang ito dahil wala pa akong karanasan sa mga relasyon, at tungkol sa mga relasyon ang kantang ito, ngunit simple lamang ang kuwentong gustong ipahiwatig ng kanta. Galit si Gotye sa dati niyang kasintahan dahil iniiwasan siya lagi nito, kahit sabi ng babae na magiging magkaibigan pa rin sila. Hindi alam ng lalaki, nakakaapekto na pala ang kanyang obsesiyon sa kanyang ex sa kasalukuyan niyang relasyon kay Kimbra (sa video lamang) . Akala naman ng babae na siya ang problema sa kanilang relasyon, ngunit nang mahalata niyang hindi pa rin maka "move on" si Gotye sa dati niyang relasyon, ayaw na niyang dalhin lahat ng problema niya. Kaya sa katapusan ng kanta, naghiwalay rin sila dahil sa mga problema ni Gotye.
Ang video na ito ay mayroon din na sining, dahil sa musika, dahil sa mga lyrics at dahil sa rin sa video mismo. Sabi nga diba, magiging sining lamang ang bagay kung mahirap ito intindihin, at para sa akin, mahirap pa rin intindihin ang kantang ito, lalong lalo na ang kanyang video, dahil sa mga abstract na disenyo na biglang bumalot sa kanilang katawan at sa buong kuwarto. Ngunit, dahil sa kanyang pagiging kakaiba, mas napahalagahan ko yung video. Ito nga ang isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko itong videong ito.
Kaya yun. Maituturing nating panitikan ang kantang ito dahil nga sa wika, sa taglay nitong kagandahan at sining, at sa mensaheng gusto nitong iparating.
"Somebody That I Used to Know" by Gotye feat. Kimbra
-Katapusan ng Unang Online Journal-
Salamat po sa pagbabasa! :)