Monday, 10 September 2012

Filipino Online Journal #7: Metanarrative ng Aking Buhay


Isa sa mga pinakamatimbang na metanarrative sa aking buhay ay ang metanarrative ng pag-aaral. o edukasyon.  Ang mga tao ay nag-aaral ng mabuti dahil sinasabing aasenso ka kapag ikaw ay magaling sa klase., na kapag nakapag-aral ng mabuti at nakagraduate ng kolehiyo ay magiging maayos na ang buhay at madali nang makakahanap ng trabaho. Ngunit hindi ito totoo sa ibang kaso. Marami nang umasnso kahit hindi nakatapos ng high school o kolehiyo, gaya nina Bill Gates at ni Steve Jobs, kaya masasabi nating hindi sukat ng kakayahan ng tao ang mga marka na nakukuha sa paaralan. Ngunit ako, bilang isang estudyante, ay nagsusumikap parin na makapasa sa kolehiyo, dahil kahit hindi ito isang surefire way to success, ito ay isang stepping stone na makakatulong parin sa aking kinabukasan.

 Ito ay isang matimbang na metanarrative sa aking buhay dahil unang-una, ako nga ay isang estudyante; ito ang aking buhay ngayon, mag-aral nang mag-aral hanggang makatapos. Hindi lamang itong bahagi ng pag-aaral ang kasama sa metanarrative na ito, kundi pati na rin ang mga ekspektasyon ng mga tao, lalo na ang aking mga magulang, sa akin pagkatapos ko mag graduate ng high school. Dahil ako ay salutatorian ng aking batch, inaasahan ng mga tao na magiging madali sa akin ang buhay kolehiyo, na madali akong makakapasa. Inaasahan parin nila ako na magiging honor student parin ako, ngunit hindi ito ang nangyayari ngayon. Nahihirapan ako sa buhay kolehiyo, at kahit nakakapasa pa naman ako, hindi na gaya ng dati na nakakatop pa ako sa klase. Pero iyon ang katotohanan, mas mahirap ang kolehiyo, at hindi ibig sabihin na kapag magaling ka noong high school ay magaling ka na rin ngayong kolehiyo, dahil ibang level na ito ng pag-aaral. 


Isa pang matimbang na metanarrative sa aking buhay ay ang entertainment: TV, video games, movies, music pati na rin ang iba pang anyo ng entertainment gaya ng pagbabasa ng libro. Lahat ng ito ay ginagamit natin upang aliwin ang ating mga sarili. Ito ay para lamang sa ating leisure time, ngunit ito lamang ba ang layunin ng mga ito? Nagagamit din sila bilang parang pangtakas sa realidad ng buhay, sa mga problema, kahit hindi ito ang solusyon sa mga problemang iyon. Ganito rin ang aking pagiisip tungkol sa TV, libro, music at iba pa. Sa musika, nakakahanap tayo ng kanta na ang mga lyrics ay parang may kinalaman sitwasyon natin ngayon, kung may problema ka man o masaya. Sa mga kwentong fiction na naipapakita sa TV, video games, libro at mga movies, parang nagiging bahagi tayo ng kwento, parte ng mundo ng mga karakter, o kung hindi naman ganun ay nakakarelate tayo sa mga karakter. 

Pangtakas sa realidad ng buhay. kahit alam nating andyan parin ang mga problema at ang realidad, itong mga anyo ng entertainment ay ginagamit parin natin upang kalimutan ang mundo. Isa itong matimbang na metanarrative sa aking buhay dahil ganito rin ang pagtingin ko sa kanila, at dahil, syempre, naging malaking bahagi ng aking buhay ang mga ito. Minsan nga'y iniisip ko kung anong mangyayari kapag naging totoo ang isa sa mga binasa kong mga libro o mga nilaro kong video game. Ito ang lagi kong naiisip sa mga anyo ng entertainment na ito, parang "refuge" sa lahat ng nangyayari ngayon.