Friday, 27 July 2012

Filipino Online Journal #4: Final Fantasy X

 Ngayong linggo, tinalakay namin ang mga iba't ibang katangian ng moderno at tradisyonal na panitikan, sa isa nitong anyo, ang maikling kwento. Ang tradisyunal daw na panitikan ay romantiko, at may ideyal na kaayusan ng mga bagay. Ito rin ay patriyarkal at sumusunod sa mga istiryutipo, lalo na sa kasarian. Sa mga tradisyunal na maiikling kwento, may katangian ito ng pagiging didaktiko (nagtuturo ng aral), at laging may malinaw kung sino ang mga masaama at kung sino ang mga mabubuti, dahil sa tradisyonal na mga kwento, halos laging may good vs. evil na konsepto.

Ang moderno naman ay realistiko. Ito ay praktikal at makatotohanan. Mayroon din itong taglay na malayang pag-iisip, at mga liberal na ideya. Hindi na rin masyadong nakikita ang mga tipikal na istiryutipo ng mga tao, lalo na sa kasarian.


Paguusapan ko naman ngayon ang isa sa mga paborito kong video game, ang Final Fantasy X. Hindi ko lang ito nagustuhan dahil sa kanyang gameplay, kundi pati na rin sa kanyang magandang istorya at soundtrack (musika). Mababasa niyo ang kanyang kuwento dito: http://finalfantasy.wikia.com/wiki/Final_Fantasy_X. Mayroon din ditong mga link na magpapakita ng mga character description ng mga tauhan at kung ano-ano pang may kaugnayan sa kanyang kuwento. 


Para sa akin, ang kanyang kuwento ay may halong tradisyonal at modernong mga aspekto. Ito ay tradisyonal dahil mayroon itong tema ng romantisismo, na makikita natin sa dalawang bida sa laro, sina Tidus at Yuna. Sa buong kuwento, makikita natin ang kanilang love story. Sa eksenang ito, dito na makikita ang kanilang pagmamahal sa isa't isa, kung saan parang inisip na rin nilang umalis na lamang at magsama :


Image du Blog chocoboworld.centerblog.net
Sin
Isa pang tradisyonal na katangian nito ay ang pagkaroon ng istiryutipo sa kasarian, kahit hindi naman masyado. Si Yuna ay pinapakita bilang isang mahinang babae, na kailangan ng maraming tagapagtanggol sa kanyang pilgrimage, ngunit ito' sa pisikal lamang, dahil mayroon siyang malakas na kalooban. Ipinapakita rin na isang malakas na lalake si Tidus sa kuwento, ngunit hindi siya ang nasusunod dito dahil siya lamang ay baguhan sa mundo nina Yuna. Tradisynal din ito dahil, sa simula palang, alam mo na kung sino ang dahilan ng kanilang paghihirap, si Sin, na sumira sa kanilang mga lungsod, dahil sa kanyang monstrous na anyo. Ngunit, isa lamang siya sa mga kontrabida ng  game  na ito. Isa pang pagkatradisyonal nito ay ang good vs evil  na tema, na nagsimula pa noon sa mga tradisyonal na mga kuwento.
Simbolo ni Yevon



Mayroon din itong mga modernong aspekto. Isa na dito ang ideya ng paghihimagsik sa huli, na kung saan nalaman na ng ating mga bida ang katotohanan sa kanilang relihiyon, na sumisilbi na ring basehan ng kanilang gobyerno, ang Teachings of Yevon, at ang mga masasamang intensyon ng isa sa kanyang mga lider na si Seymour. Sila'y nagrebelde dahil dito. Dahil sa ideya ng paghihimagsik, mayroon na ring liberal na kaisipan na nailagay sa kuwento. 
Seymour

Isa pang aspekto ay ang kumplikado nitong pagpapakita ng mga kontrabida. Sa simula at hanggang sa dulo, si Sin nga ang pangunahing kalaban, ngunit hindi siya ang dahilan ng lahata ng gulo. Si Yu Yevon ang dahilan nitong lahat, kahit wala siyang direktang koneksyon sa ating mga bida. At, may isa pang kontrabidang lalabas, si Seymour, na masasabing pinakakontrabida sa kanilang lahat, dahil siya ang may pinaka maraming interaksyon sa mga bida. Tradisyonal nga ito dahil nakita natin na si Sin ay isang pangunahin na kontrabida, ang direktang dahilan ng kanilang paghihirap, at dahil sa itsura ni Seymour, na sa isang tingin palang, parang nakikita mong hindi siyang ordinaryong tauhan lamang, ngunit moderno rin ito dahil mas malalim pa at mas kumplikado ang pagkilala natin sa tunay na mga kontrabida.


Ito ay ang mga paborito kong musika na galing sa Final Fantasy X. Ang mga video ay nagpapakita ng mga iba't ibang parte ng kuwento.





Ito naman ay mga eksena sa FFX:









Salamat po sa pagbabasa! :)

No comments:

Post a Comment