Sunday, 22 July 2012

Filipino Online Journal #3: Mutya ng Ateneo Entablado

 
            Para sa akin, ang dalawang dula na itinanghal noong Mutya ay parehong tradisyonal at moderno. Ang unang dulang “Mga Santong Tao” para sa akin, ay mas tradisyonal. Ang dulang ito ay tungkol sa paghihiganti ng mag-asawang sina Tinay at Ambrosio sa mga makapangyarihang mga tao sa kanilang lugar, dahil sa kanilang mga masamang balak kay Tinay.  Ito ay isang tradisyonal na dula dahil sa dayalogong ginamit. Lahat ng linya ng mga karakter sa tula ay patula, na may tugma. Ito ay isa sa mga katangian ng tradisyonal ng panitikan. Gumagamit din kasi ito ng parang malalalim o makalumang mga salita.

 Isa pang dahilan kung bakit ito ay tradisyonal ay dahil sa kanyang tagpuan, panahon pa siguro ng mga Kastila, panahon kung kalian relihiyon pa ang namumuno. Nakikita natin ito sa mataas na posisyon ng kura sa kanilang bayan, sa ipinakitang mga inukit na imahe ni Jesus sa kahoy, at pati na rin sa mga pagpuwesto ng mga kontrabida sa dula nang sila’y pinatago sa silid. Masasabi na rin naing tradisyonal ang dula, dahil sa papel ng relihiyon dito.

Ngunit, mayroon ding modernong mga katangian ang dula. Isa na dito ay ang kanyang komdeya. Ito ay umiikot sa erotisismo at sekswal na mga tema, na nakikita natin sa kanilang mga sinasabi, at mga aksyon. Ang ganitong tema ay hindi mo masyadong makikita sa mga tradisyonal na panitikan. Isa pang modernong aspekto nito ay ang pagkakaroon ng bidang babae na hindi lamang sunud-sunuran sa kanyang asawa. Sa dulang ito, siya pa nga ang nag-isip ng plano kung papaano lolokohin tatlong lalaki. Ang pagsama ng peminismo sa dula ay isa nang katangian ng modernong panitikan.

Ang ikalawang dula naman , “Ang Sistema ni Propesor Tuko”, ay tungkol sa sistema ng pagtuturo ni propesor Tuko, na para sa kanyang mga estudyante, ay masyado nang makaluma, at paulit-ulit na lamng ginagamit. Para sa akin, ito ay mas moderno kumpara sa unang dula. Isa sa mga dahilan ng kanyang pagiging moderno ay ang paggamit ng wikang Ingles. Syempre, wala pang wikang Ingles noon sa mga tradisyonal na panitikan, dahil wala pang mga Amerikano sa Pilipinas ng panahong iyon.

Marami pang ibang modernong katangian ang makikita sa dula. Hindi na siya sumusunod sa patulang mga dayalogo. Mas naiintindihan na ang mga sinasabi ng mga tao sa dula dahil hindi gaanong malalim ang mga salitang ginamit. Nagpapakita din ito ng mga modernong “pop culture”.  Marami pang mga modernong bagay ang nabanggit, gaya ng pagtratrabaho ni Propesor Tuko sa Jollibee, ang pagbanggit sa mga katauhang sina Phillip Phillips at Charice Pempengco, ang pagtukoy sa basketbol, at ang pagtalakay sa lipunan ngayon.

 Gaya ng sa unang dula, mayroon din itong tradisyonal na katangian, katulad ng colonial mentality, na makikita natin kay Propesor Tuko, na mahilig lamang sa mga ginawa ng mga dayuhan. Ang colonial mentality ay nagsimula noong panahon pa ng mga Kastila, kung saan nangarap ang mga Indio na maging mataas sa lipunan. Isa pa ay an temang panloloko, na isang temang kadalasang ginagamit sa mga tradisyonal na panitikan.




Ito ay ang unang bahagi ng isang "musical" ng StarKid Productions, isang grupo ng mga dating estudyante ng University of Michigan, School of Modern Theater and Dance. Ito ay isang "parody" ng Harry Potter. Nilagay ko ito dahil para siyang tradisyonal na dula, dahil sa kanyang tema ng "magic", dahil ng sa Harry Potter at ang pagsabay ng romantisismo sa kuwento, na makikita sa tema ng pagkakaibigan sa dula, ngunit parang moderno na rin ito dahil sa kanyang komedya, pagtatanghal at mga modernong "pop culture reference". 




Salamat po sa pagbabasa :)

Katapusan ng Ikatlong Online Journal

No comments:

Post a Comment